I Belong To The Zoo – Sana lyrics

[Intro]
Umuwi lang tila bang lahat ay nagiba
Nawalan na ng sigla ang iyong mga mata
Ngayon ko lang naramdaman ang lamig ng gabi
Nawala ang dating init sa iyong pagtabi
Bakit ka nag-iba
Meron na bang iba
Sana sinabi mo, para ‘di na umasang may tayo pa sa huli
Sana sinabi mo, hahayaan naman kitang sumaya’t umalis
Sana sinabi mo, para ‘di na umasang may tayo pa sa huli
Sana sinabi mo, hahayaan naman kitang umalis
Binibilang ang hakbang hanggang wala ka na
Nagbabakasakaling lilingon ka pa
Hindi na ba mababalik ang mga sandali
Mga panahong may lalim pa ang iyong ngiti
Bakit ka nag-iba
Meron na bang iba
Sana sinabi mo, para ‘di na umasang may tayo pa sa huli
Sana sinabi mo, hahayaan naman kitang sumaya’t umalis
Sana sinabi mo, para ‘di na umasang may tayo pa sa huli
Sana sinabi mo, hahayaan naman kita
Sana sinabi mo, para ang mga ayaw mo’y aking iibahin
Diba sinabi mo, basta’t tayong dalwa’y sasaya ang mundong mapait
Diba sinabi ko, gagawin kong lahat upang tayo parin sa huli
Biglang nalaman ko, may hinihintay ka lang palang bumalik
Sana sinabi mo, dahil ‘di ko alam, ano bang nagawa kong mali
Sana sinabi mo, para ‘di na umibig ang puso ko muli
Sana sinabi mo, para ‘di na umasang may tayo pa sa huli
Sana sinabi mo, hahayaan naman kita

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *